Super El Niño: Hagupit ng Tag-init

Sa patuloy na pagtaas ng temperatura, hindi lamang simpleng init ang dala, kundi matinding pangamba. Ayon sa Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), marami nang palatandaan na nagpapakita na makakaranas ang Pilipinas ng Super El Niño dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ng mga tao sa kasalukuyan. Sa pagdating nito, bawat lupang natutuyo, ang mga taniman ay nagiging abo.

Unti-unti nang nararamdaman ang panganib na dala ng Super El Niño.


Makatuwiran lamang na kumilos agad ang pamahalaan sa pamamagitan ng maayos na pamamahala sa suplay ng tubig, pagbibigay ng suporta sa mga pangangailangan ng pamayanan, at pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan.

Mahalaga ring palakasin ang mga programang pangkalikasan at tiyaking may sapat na datos at ulat ang bawat komunidad upang makapaghanda sa posibleng krisis. Nararapat din lamang ang pakikilahok ng mga mamamayan sa paglampas sa hamong ito kasama ng mga nasa awtoridad.


Batay sa ulat ng DOST-PAGASA noong Setyembre 23, 2026, maaaring mas lumakas pa ang kasalukuyang nangyayaring El Niño sa antas na “very strong” at inaaasahang magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027. Nagaganap ang El Niño kapag umiinit ang tubig sa Karagatang Pasipiko na maaaring magdulot ng pagbabago sa klima. Saksi rito ang malupit na pagtaas at pagbaba ng temperatura na hindi inaasahan.


Magkakaroon ng mas malakas na bagyo at matinding tagtuyot pagkatapos ng habagat, kaya binabantayan ang magiging epekto nito sa mga suplay ng tubig, dahil maaaring maapektuhan ang mga ito ng matinding El Niño. Wala pang kasiguraduhan ang pagdating ng Super El Niño, ngunit hinihikayat ang mga Pilipino na magtipid at mag-imbak ng tubig upang mabawasan ang epekto ng Super El Niño.


Gayunpaman, hindi dapat iasa ang lahat sa pamahalaan o ipaubaya sa mamamayan lamang. Samahan ang pundasyon sa mas magandang resulta ng aksyon. Ang pamahalaan ay kasangga ng bawat mamamayan.


Maraming maaaring maging hakbang upang maagapan ito. Magtipid ng tubig, umiwas sa pag-aaksaya ng kuryente, magtanim ng mga halamang angkop sa kapaligiran, at sumunod sa mga babalang ipinapahatid ng mga nasa kinauukulan. Ang maliliit na hakbang na ginagawa ng bawat isa ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago.


Sa kabila ng bantang paparating, isaisip na hindi magkakaroon ng agarang solusyon ang isang bagay nang kusa.

Kinakailangan nito ng masusing pagsusuri at pagninilay sa mga hakbang na maaaring isulong at isagawa. Ang bawat ahensya ay may parte rito: ang gobyerno, ang iba’t ibang ahensya, at ang taumbayan ay magkakasapi sa paglampas sa hamong ito.


Sa paparating na Super El Niño, dapat nang matauhan ang mga tao sa mga posibleng epekto nito.

Tayo ay maging alerto at responsable. Tunguhin ang iisang layunin, ang malampasan ang hamon ng kalikasan.

OPINYON

Ang hakbang patungong paghahanda para sa Super El Niño ay hindi lamang responsibilidad ng ilan, pagtutulungan ang kailangan. Naniniwala ang balitaang ito na kinakailangan nito ng mahusay na pagninilay, pagkakaroon ng sapat na impormasyon higit sa lahat, ang pagtutulungan.

Wala pang kasiguraduhan ang pagdating nito ngunit isang matalinong hakbang ang pagkakaroon ng mga hakbang upang maging maalam at maging alerto sa mga posibleng epekto ng penomenong ito.

Nawa’y magkaroon ng mga teknikal na hakbang ang gobyerno para sa mitigasyon at paglampas sa hamong ito: pamamahala sa suplay ng tubig, pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga komunidad, at babala para sa mga nararapat gawin.

Kasabay nito, kinakailangan din ang aktibong pakikilahok ng taumbayan sa paglampas ng hamong ito. Ang pakikinig at pagsunod sa mga anunsyo ng mga nasa kinauukulan ay isang magandang umpisa. Maging mapanuri sa mga hakbang na isasagawa, mag-imbak ng tubig, maging matipid, at magtanim ng mga halamang makakatulong sa pag-iwas sa malalang epekto ng Super El Niño.

Isaisip, ang isang problema ay hindi mareresolba kung walang pagtutulungan na nagaganap. Kaagapay ng pamahalaan ang taumbayan; kaagay rin ng taumbayan ang pamahalaan.

Leave a Reply